TWISTERS
 

Alaala..

Bulong...

bulong...

Parang immortal na lamok na dumikit sa tutule sa kaila-ilaliman ng ating tenga...

naririnig nyo ba?

 

First year... freshman pa lang sira-ulo na

-Wrestling-

    Grabe yun nun! Tuwing lunch at recess. Ang tototoy pa natin. Bawat isa sa atin may katumbas na WWF wrestler na ginagaya. Memorize pa yung mga linya! Ginagawa nating wrestling ring ung platform ng teachers. Totohanang nagababalibagan, nagsisipaan nag susuntukan tayo nun. Naghahampasan tayo ng upuan, bote ng mineral water at kung ano makita natin. Pinapanood tayo ng ibang section. Astig nga walang na injure satin nun, si miggy lang ung nagwrestling tayo sa inflatable nung fair. Buong first year hanggang early second year ata tayo naggaganunan.

-Sean

Naaalala nyo ba nung first year, mahilig pa tayo mag wrestling tas si zen tinopak. gagayahin nya daw si gangrel na lalabas sa loob ng apoy na pentagram. Ginawa nya e biglang dumating si nacionales kaya panic siya. tapak ng tapak sa apoy na walang kamatayan...

-joonee

 

-Awayan-

    Andameng nagsuntukan noon first year! Nakakatawa alalahanin!
    Si Bata at Marfal. Imajinin nyo sinasapak ni Bata sa mukha si Marfal habang inaabot ni Marfal ung hawak nyang coke sa katabi niya.
    Si Bading at si Bargas. Habang nagsisindakan sila, biglang sinapak ni Bargas si Bading sa mukha sabay takbo PAATRAS palabas ng classrum. ahahaha!
    Si Ronel at Vanny. Ang lala nun. Nagka-black eye si ronel ng matagal. Dun naghinala ung mga teachers na mayroong mga sapakan na nagaganap.
    Si Japol at Reminajes. Suntukan sila tapos nauwi sa pagpatong ni Japol kay Reminajes, tapos nagsindakan sila... baliktad.
    Wilmore at Ruiz classic swimming match.
    Si Dimags at Ruiz. Di ko na maalala... natuloy ba yun?

-Sean

-Teachers-

napa iyak ng klase si sombrito dahil sa gulo natin...
naglinis tuloy tayo ng buong 1st year wing. hehe... Buti na lang
moderator natin si dator nun kundi patay patay tayong lahat nun.
hehehe...

-Jomari

 

Second Year... nabawasan pero tuloy ang ligaya

    Naalala niyo ba ung nagsti-sting kami ni wilmore tapos biglang napunit ung pantalon niya? pinagkaguluhan natin siya nun tapos pinalaki pa ung butas ni jed. ANG LAKI NUNG PUNIT. MULA TUHOD HANGGANG KABILANG TUHOD. exposed na ung brip ni wilmore. kaya ginawa niya inayos niya gamit scotch tape at stapler

-Sean

Yung art class report ng group namin Renaissance period kaya ginaya namin yung ninja turtles. Intro dapat namin tutugtog ung ninja turtle music tapos papasok kami galing sa ibat ibang sulok. Si Dimags na kunyari si Leonardo tatalon dapat siya mula sa upuan pero nabale tapos nahulog siya.

-Sean

Third Year... may mga nadagdag pero konti na lang kami

    SALGADO PARE... Sino ba naman makakalimot sa teacher na yun. Kapag lecture niya walang nakikinig, yung iba nagpupusoy, naggigitara, natutulog sa sahig, kumakain o naguusap. "Will you istap dat!" at "Impediments" yung paborito niyang words. Kapag tests na.. nagkokopyahan tayo, naglalabas ng libro at kodigo. Pag nahuli ka niya magsorry ka lang ok na, pwede mo na gawin ulet.
    Tapos nung isang beses tumayo si Peewee sa ibaabw ng table tapos sabi niya "captain my captain" tapos lahat tayo ginawa rin yun. Tawa ng tawa si gagong salgado, weirdo talaga yun. Naalala ko lang nagalit siya nung binato ko siya ng unan at kinamera nantin ung mukha niya.

-Sean

May nag kwento lang sakin nito di ko maalala kung si wilmore o bryan. Yung Katipunan Fund Drive daw bumili daw si katigbak ng isaw baboy. Pagkagat niya sabi niya.. "Bat malamig?" Akala niya luto na ung mga nakadisplay. HAHAHA

-Sean

Fourth Year... malapit na mag hiwalay, kaya sinusulit na

    Sinamong Roll! Yung Katipunan Fund Drive  natin may 3rd year na nagbebenta ng Cinamon Roll pero ang pagsabi niya "Sinamong Rohl" kinawawa natin sa tukso yun.

-Sean

Back to Cover
seanunuy@yahoo.com