Bulong...

bulong...

Parang immortal na lamok na dumikit sa tutule sa kaila-ilaliman ng ating tenga...

naririnig nyo ba?

 

First year... freshman pa lang sira-ulo na

-Wrestling-

    Grabe yun nun! Tuwing lunch at recess. Ang tototoy pa natin. Bawat isa sa atin may katumbas na WWF wrestler na ginagaya. Memorize pa yung mga linya! Ginagawa nating wrestling ring ung platform ng teachers. Totohanang nagababalibagan, nagsisipaan nag susuntukan tayo nun. Naghahampasan tayo ng upuan, bote ng mineral water at kung ano makita natin. Pinapanood tayo ng ibang section. Astig nga walang na injure satin nun, si miggy lang ung nagwrestling tayo sa inflatable nung fair. Buong first year hanggang early second year ata tayo naggaganunan.

 

-Awayan-

    Andameng nagsuntukan noon first year! Nakakatawa alalahanin!

    Si Bata at Marfal. Imajinin nyo sinasapak ni Bata sa mukha si Marfal habang inaabot ni Marfal ung hawak nyang coke sa katabi niya.

    Si Bading at si Bargas. Habang nagsisindakan sila, biglang sinapak ni Bargas si Bading sa mukha sabay takbo PAATRAS palabas ng classrum. ahahaha!

    Si Ronel at Vanny. Ang lala nun. Nagka-black eye si ronel ng matagal. Dun naghinala ung mga teachers na mayroong mga sapakan na nagaganap.

    Si Japol at Reminajes. Suntukan sila tapos nauwi sa pagpatong ni Japol kay Reminajes, tapos nagsindakan sila... baliktad.

    Si Dimags at Ruiz. Di ko na maalala... natuloy ba yun?

   

Back to Cover
seanunuy@yahoo.com