BFF - best friends forever.....that simple!!!
we know na overused na 'yang best friends forever na 'yan,
but there are no other words that can describe our friendship.

before anything else, let me introduce to you the gang........
let's just do it alphabetically......bing, chenggay, leah, noni, patite, tin-tin, vina, and yam.
si leah at chenggay ay kambal. younger sis nila si yam.
si tin-tin naman at si patite ay cousinz.
si bing naman at si vina ay aking mga sis.

we all go way back.....mga uhigin pa kami, mag-kakaibigan na kami. mga bata pa kami noon ( at hanggan ngayon naman eh mga bata pa rin kami.....hehehe...) when we first met kaya di ko na ma-remember yung aming mga first moments together. all i know is, we met sa aming home church - Fait Bible Church (pictures here) sa Roxas District, Quezon City. doon din kami nakatira before kami nagliparan dito sa US. mag-kakalapit lang ang mga tahanan namin kaya nag-susunduan pa kami dati at nag-hahatidan din afterwards. those were the days!!!!!! ang saya-saya dati!!! napaka-care free ng mga buhay namin. laro to sawa kami!!!! nandyan yung naglalaro kami ng mga barbie dolls at nagpapalitan ng mga damit ni barbie. meron din yung bahay-bahayan with our baby dolls naman. nandoon din yung nag-tra-trade kami ng aming mga staioneries. pag-feeling rugged naman kami - patintero, taguan, agawan base, chatoo (tama ba 'yon? ), at syempre ang chinese garter. nakakatuwa!!!!!! =) pag-uwi sa bahay ang dudungis at mga amoy pawis.

ngayon, mga dalaga na sila ...este kami pala. we can't play those games anymore. all we can do now is look back and try to recall ang aming mga kasiyahan dati.....
sayang din at maaga kaming nag-kahiwa-hiwalay - phsically. si tin-tin ang unang umiwan sa amin. she left the philippines in 1986. then sinundan ng kambal at ni yam nung 1989. kami naman, bago lang kami dito, nung 1993 lang. and since tin left, this year na lang uli kami nagkita-kitang lahat. ang tagal 'no? nine years!!!!! kaya nga ako na-inspire to do this HP - in honor of our reunion (pictures here too). actually, nagkita-kita na kami before pero hindi lahat kami sabay-sabay at one time. this year lang talaga yung lahat kami sama-sama uli. kulang pa nga din ng isa eh, kasi nasa pinas pa si patite =( . pero ok lang, in our hearts naman, kasama namin siya.
hopefully nga, maging regular na ang aming pag-kikita. i hope it won't take us another nine years to be together again. nakaka-miss talaga!!! pero kahit naman malayo kami sa isa't-isa, we're still there for each other. lalo na sa aming mga "crisis moments". we still share ang aming mga katatawanan at mga iyakan sa buhay.
the more ko tuloy na-mi-miss ang aking mga lifelong friends.


well, that's us in a nutshell!!!! don't worry, there's more to come........


home